Mga Awit 19:1-14
Mga Awit 19:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman. Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig; ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw, tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan. Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran, walang nakapagtatago sa init nitong taglay. Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan. Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran, ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban. Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa. Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman; ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan. Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay, mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan. Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod. Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan. Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo'y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay. Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.
Mga Awit 19:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mga Awit 19:1-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ipinapakita ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos! Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng kanyang mga kamay. Araw-araw, sinasabi ng kalangitan ang tungkol dito, gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakan ang tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit walang salita o tinig na mula sa kanilaʼy naririnig, napapakinggan pa rin sa buong daigdig ang kanilang salitaʼt tinig. Doon sa kalangitan, iginawa ng Diyos ang araw ng tirahan. Tuwing umagaʼy sumisikat ito katulad ng isang lalaking ikakasal na masayang lumalabas ng kanyang tahanan. O kayaʼy isang manlalarong kampeon na sabik na sabik sumabak sa takbuhan. Itoʼy sumisikat sa silangan, at lumulubog sa kanluran; walang di mahahagip ng init nitong taglay. Ang kautusan ng PANGINOON ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng PANGINOON ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga kulang sa kaalaman. Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng PANGINOON ay malinaw at nagbibigay-liwanag sa kaisipan. Ang pagkatakot sa PANGINOON ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos ng PANGINOON ay matuwid at makatarungan. Ang mga itoʼy higit pa kaysa ginto kahit pa sa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos, ay nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy aking sinusunod. Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin po ninyo ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. Ilayo rin ninyo ako sa kasalanang sadya kong ginagawa. Huwag po ninyong payagan na alipinin ako nito. At mamumuhay ako nang walang kapintasan, lubos na lalaya sa maraming kasalanan. Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo PANGINOON ang aking iniisip at sinasabi. Kayo, ang aking batong kanlungan at tagapagligtas!
Mga Awit 19:1-14 Ang Biblia (TLAB)
Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. Walang pananalita o wika man; ang kanilang tinig ay hindi marinig. Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw, Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo. Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon. Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid. Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan. Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala. Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian. Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala: huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako, at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang. Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.
Mga Awit 19:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman. Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig; ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw, tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan. Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran, walang nakapagtatago sa init nitong taglay. Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan. Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran, ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban. Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa. Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman; ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan. Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay, mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan. Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod. Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan. Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo'y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay. Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.
Mga Awit 19:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. Walang pananalita o wika man; Ang kanilang tinig ay hindi marinig. Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw, Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo. Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon. Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: Ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: Ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid. Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan. Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala. Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian. Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala: Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako, At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang. Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.