Mga Awit 145:13-16
Mga Awit 145:13-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat. Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin. Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
Mga Awit 145:13-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang inyong paghahari ay magpakailanman. PANGINOON, tapat kayo sa inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha. Tinutulungan ninyo ang mga dumaranas ng kahirapan, at pinalalakas ang mga nanghihina. Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila. Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan.
Mga Awit 145:13-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi. Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob. Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
Mga Awit 145:13-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat. Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin. Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
Mga Awit 145:13-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi. Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, At itinatayo yaong nangasusubasob. Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. Iyong binubuksan ang iyong kamay, At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.