Mga Awit 144:1-15
Mga Awit 144:1-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh na aking kanlungan, sa pakikibaka, ako ay sinanay; inihanda ako, upang makilaban. Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan. O Yahweh, ano nga ba naman ang tao? At pinagtutuunan mo siya ng pansin? Katulad ay ulap na tangay ng hangin, napaparam siya na tulad ng lilim. Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin; mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin. Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin; sa pagtakas nila ay iyong tudlain! Abutin mo ako at iyong itaas, sa kalalimang tubig ako ay iligtas; ipagsanggalang mo't nang di mapahamak sa mga dayuhang may taglay na lakas, Ubod sinungaling na walang katulad, kahit ang pangako'y pandarayang lahat. O Diyos, may awitin akong bagung-bago, alpa'y tutugtugin at aawit ako. Tagumpay ng hari ay iyong kaloob, at iniligtas mo si David mong lingkod. Iligtas mo ako sa mga malupit kong kaaway; sa kapangyarihan ng mga banyaga ay ipagsanggalang; sila'y sinungaling, di maaasahan, kahit may pangako at mga sumpaan. Nawa ang ating mga kabataan lumaking matatag tulad ng halaman. Ang kadalagaha'y magandang disenyo, kahit saang sulok ng isang palasyo. At nawa'y mapuno, mga kamalig natin ng lahat ng uri ng mga pagkain; at ang mga tupa'y magpalaanakin, sampu-sampung libo, ito'y paramihin. Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa! Mapalad ang bansang kanyang pinagpala. Mapalad ang bayang si Yahweh'y Diyos na dinadakila!
Mga Awit 144:1-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Purihin ang PANGINOON na aking batong kanlungan. Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban. Siya ang aking Diyos na mapagmahal at matibay na kanlungan. Sa kanya ako kumakanlong at humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa. PANGINOON, ano ba ang tao upang pagmalasakitan nʼyo? Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip? Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan, at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala. PANGINOON, buksan nʼyo ang langit at bumaba kayo. Hipuin nʼyo ang mga bundok upang magsiusok. Gamitin nʼyong parang pana ang mga kidlat, magsitakas at mangalat ang aking mga kaaway. Mula sa langit, abutin nʼyo ako at iligtas sa kapangyarihan ng aking mga kaaway na mula sa ibang bansa, na parang malakas na agos ng tubig. Silaʼy mga sinungaling, sumusumpa silang magsasabi ng katotohanan, ngunit silaʼy nagsisinungaling. O Diyos, aawitan kita ng bagong awit na sinasabayan ng alpa. Kayo ang nagbigay ng tagumpay sa mga hari at nagligtas sa inyong lingkod na si David mula sa kamatayan. Iligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng mga dayuhang kaaway, na hindi nagsasabi ng totoo. Silaʼy sumusumpang magsasabi ng katotohanan ngunit silaʼy nagsisinungaling. Sana habang bata pa ang aming mga anak na lalaki ay maging katulad sila ng tanim na tumutubong matibay, at sana ang aming mga anak na babae ay maging tulad ng naggagandahang haligi ng palasyo. Sanaʼy mapuno ng lahat ng uri ng ani ang aming mga bodega. Dumami sana ng libu-libo ang aming mga tupa sa pastulan, at dumami rin sana ang maikargang produkto ng aming mga baka. Hindi na sana kami salakayin at bihagin ng mga kaaway. Wala na rin sanang iyakan sa aming mga lansangan dahil sa kalungkutan. Mapalad ang mga taong ganito ang kalagayan. Mapalad ang mga taong ang Diyos ang kanilang PANGINOON.
Mga Awit 144:1-15 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban: Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya? Ang tao ay parang walang kabuluhan: ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam. Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila, Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa; Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios: sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari: na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak. Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan; at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio. Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay; at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang; Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti; pagka walang salot, at sakuna, at walang panaghoy sa aming mga lansangan; Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
Mga Awit 144:1-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh na aking kanlungan, sa pakikibaka, ako ay sinanay; inihanda ako, upang makilaban. Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan. O Yahweh, ano nga ba naman ang tao? At pinagtutuunan mo siya ng pansin? Katulad ay ulap na tangay ng hangin, napaparam siya na tulad ng lilim. Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin; mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin. Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin; sa pagtakas nila ay iyong tudlain! Abutin mo ako at iyong itaas, sa kalalimang tubig ako ay iligtas; ipagsanggalang mo't nang di mapahamak sa mga dayuhang may taglay na lakas, Ubod sinungaling na walang katulad, kahit ang pangako'y pandarayang lahat. O Diyos, may awitin akong bagung-bago, alpa'y tutugtugin at aawit ako. Tagumpay ng hari ay iyong kaloob, at iniligtas mo si David mong lingkod. Iligtas mo ako sa mga malupit kong kaaway; sa kapangyarihan ng mga banyaga ay ipagsanggalang; sila'y sinungaling, di maaasahan, kahit may pangako at mga sumpaan. Nawa ang ating mga kabataan lumaking matatag tulad ng halaman. Ang kadalagaha'y magandang disenyo, kahit saang sulok ng isang palasyo. At nawa'y mapuno, mga kamalig natin ng lahat ng uri ng mga pagkain; at ang mga tupa'y magpalaanakin, sampu-sampung libo, ito'y paramihin. Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa! Mapalad ang bansang kanyang pinagpala. Mapalad ang bayang si Yahweh'y Diyos na dinadakila!
Mga Awit 144:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, At ang mga daliri ko na magsilaban: Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya? Ang tao ay parang walang kabuluhan: Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam. Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila, Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, Sa kamay ng mga taga ibang lupa; Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios: Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari: Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak. Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan; At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio. Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay; At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang; Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti; Pagka walang salot, at sakuna, At walang panaghoy sa aming mga lansangan; Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.