Mga Awit 14:1-3
Mga Awit 14:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala! Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa, na sa kanya'y gumagalang at sumasamba. Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama, wala ni isa man, wala nga, wala!
Mga Awit 14:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Walang Diyos!” Iyan ang sinasabi ng hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti. Mula sa langit, tinitingnan ng PANGINOON ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala ni isa man ang gumagawa ng mabuti.
Mga Awit 14:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Dios. Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Mga Awit 14:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala! Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa, na sa kanya'y gumagalang at sumasamba. Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama, wala ni isa man, wala nga, wala!
Mga Awit 14:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios: Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; Walang gumagawa ng mabuti, Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, Na hinahanap ng Dios. Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.