Mga Awit 132:1-12
Mga Awit 132:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alalahanin mo, O Yahweh, si David na iyong alipin; huwag mong lilimutin ang lahat ng hirap na kanyang tiniis. Alalahanin mo ang kanyang pangakong ginawa sa iyo, O Dakilang Diyos ng bansang Israel, wika niya'y ganito: “Di ako uuwi, nangangako ako na hindi hihimlay, hangga't si Yahweh ay wala pang lugar na matitirahan, isang templong laan sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.” Aming nabalitaang nasa Bethlehem ang Kaban ng Tipan, sa bukid ng Jaar namin nasumpungan. Ang aming sinabi, “Ang templo ni Yahweh ay puntahan natin, sa harap ng trono siya ay sambahin!” Sa iyong tahanan, Yahweh, pumasok ka kasama ang kaban, ang kabang sagisag ng kapangyarihan. Iyong mga pari, hayaang maghayag ng iyong pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak! Alang-alang naman sa lingkod mong si David, ang piniling hari, ay huwag mong itakwil. Ang iyong pangako, kay David mong lingkod, huwag mong babawiin, ganito ang iyong pangakong habilin: “Isa sa anak mo ang gagawing hari upang mamahala, matapos na ika'y pumanaw sa lupa. Kung magiging tapat ang mga anak mo sa bigay kong tipan, at ang mga utos ko ay igagalang, ang mga anak mo'y pawang maghaharing walang katapusan.”
Mga Awit 132:1-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
PANGINOON, huwag nʼyong kalilimutan si David at ang lahat ng paghihirap na kanyang tiniis. Alalahanin nʼyo ang pangako niya sa inyo PANGINOON, kayo na Makapangyarihang Diyos ni Jacob. Ipinangako niya, “Hindi ako uuwi sa aking bahay ni hihimlay sa aking higaan. Hindi ko hahayaang dalawin ako ng antok ni ipikit ang aking mga mata hanggaʼt hindi ako nakakakita ng lugar na matitirhan ng PANGINOON, ang Makapangyarihang Diyos ni Jacob.” Nang kami ay nasa Efrata nabalitaan namin kung nasaan ang Kaban ng Kasunduan, at natagpuan namin ito sa kapatagan ng Jaar. Sinabi namin, “Pumunta tayo sa tahanan ng PANGINOON, at sumamba tayo sa kanya sa harap ng kanyang trono.” PANGINOON, pumasok po kayo sa inyong tahanan kasama ang Kahon ng inyong Kasunduan, na simbolo ng inyong kapangyarihan. Sanaʼy palaging mamuhay ng matuwid ang inyong mga pari, at umawit nang may kagalakan ang inyong mga tapat na mamamayan. Alang-alang kay David na inyong lingkod, huwag ninyong itatakwil ang haring inyong hinirang. Nangako kayo noon kay David, at itoʼy tiyak na inyong tutuparin at hindi babawiin. Sinabi ninyo, “Isa sa iyong angkan ang papalit bilang hari. At kung ang iyong angkan ay tutupad sa aking kasunduan at susunod sa mga turo sa kanila, ang kanilang mga anak ay maghahari rin magpakailanman.”
Mga Awit 132:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian; Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob: Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan, Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata; Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob. Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat. Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan. Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan. Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
Mga Awit 132:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Alalahanin mo, O Yahweh, si David na iyong alipin; huwag mong lilimutin ang lahat ng hirap na kanyang tiniis. Alalahanin mo ang kanyang pangakong ginawa sa iyo, O Dakilang Diyos ng bansang Israel, wika niya'y ganito: “Di ako uuwi, nangangako ako na hindi hihimlay, hangga't si Yahweh ay wala pang lugar na matitirahan, isang templong laan sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.” Aming nabalitaang nasa Bethlehem ang Kaban ng Tipan, sa bukid ng Jaar namin nasumpungan. Ang aming sinabi, “Ang templo ni Yahweh ay puntahan natin, sa harap ng trono siya ay sambahin!” Sa iyong tahanan, Yahweh, pumasok ka kasama ang kaban, ang kabang sagisag ng kapangyarihan. Iyong mga pari, hayaang maghayag ng iyong pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak! Alang-alang naman sa lingkod mong si David, ang piniling hari, ay huwag mong itakwil. Ang iyong pangako, kay David mong lingkod, huwag mong babawiin, ganito ang iyong pangakong habilin: “Isa sa anak mo ang gagawing hari upang mamahala, matapos na ika'y pumanaw sa lupa. Kung magiging tapat ang mga anak mo sa bigay kong tipan, at ang mga utos ko ay igagalang, ang mga anak mo'y pawang maghaharing walang katapusan.”
Mga Awit 132:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Panginoon, alalahanin mo para kay David Ang lahat niyang kadalamhatian; Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, At nanata sa Makapangyarihan ni Jacob: Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, Ni sasampa man sa aking higaan, Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata; Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob. Narito, narinig namin sa Ephrata: Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat. Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan. Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan. Dahil sa iyong lingkod na kay David Huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; Hindi niya babaligtarin: Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.