Mga Awit 128:1-6
Mga Awit 128:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem; ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin, nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!
Mga Awit 128:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mapalad kayong may takot sa PANGINOON, na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan. Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan, at kayoʼy magiging maunlad at maligaya. Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo. Ganito pagpapalain ang sinumang may takot sa PANGINOON. Pagpalain sana kayo ng PANGINOON mula sa Zion. Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem habang kayoʼy nabubuhay. Makita sana ninyo ang inyong mga apo.
Mga Awit 128:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Mga Awit 128:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem; ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin, nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!
Mga Awit 128:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, Na lumalakad sa kaniyang mga daan. Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay: Ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang. Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, Na natatakot sa Panginoon. Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.