Mga Awit 125:1-5
Mga Awit 125:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga. Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos. Taong masasama ay di hahayaang laging mamahala, pagkat maaaring ang mga pinili, mahawa sa sama. Ang mga mabait na tapat sumunod sa iyong kautusan, sana'y pagpalain mo sila, O Yahweh, sa kanilang buhay. Ngunit ang masama, sa kanilang hilig iyong parusahan, parusahan sila, dahil sa di wasto nilang pamumuhay.
Mga Awit 125:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang mga nagtitiwala sa PANGINOON ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili, magpakailanman. Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem, ang PANGINOON ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman. Ang masama ay hindi mananatiling namamahala sa lupaing para sa mga matuwid, dahil baka makagawa rin ng masama ang mga matuwid. PANGINOON, ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa mga taong mabuti at namumuhay nang matuwid. Ngunit parusahan ninyo kasama ng masasama ang inyong mamamayan na sumusunod sa hindi wastong pamumuhay.
Mga Awit 125:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man. Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man. Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan. Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, at yaong matutuwid sa kanilang mga puso. Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.
Mga Awit 125:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga. Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos. Taong masasama ay di hahayaang laging mamahala, pagkat maaaring ang mga pinili, mahawa sa sama. Ang mga mabait na tapat sumunod sa iyong kautusan, sana'y pagpalain mo sila, O Yahweh, sa kanilang buhay. Ngunit ang masama, sa kanilang hilig iyong parusahan, parusahan sila, dahil sa di wasto nilang pamumuhay.
Mga Awit 125:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Silang nagsisitiwala sa Panginoon Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man. Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, Mula sa panahong ito at sa magpakailan man. Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid; Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan. Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, At yaong matutuwid sa kanilang mga puso. Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.