Mga Awit 120:1-7
Mga Awit 120:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing, dininig niya ako sa aking dalangin. Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang, Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang. Sa kamay ng Diyos, kayong sinungaling, ano kayang parusa ang inyong kakamtin? Tutudlain kayo ng panang matalim, at idadarang pa sa may bagang uling. Ako ay kawawa; ako ay dayuhan, sa Meshec at Kedar, ako ay namuhay. Matagal-tagal ding ako'y nakapisan ng hindi mahilig sa kapayapaan. Kung kapayapaan ang binabanggit ko, pakikipagbaka ang laman ng ulo.
Mga Awit 120:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa PANGINOON, at akoʼy kanyang sinagot. PANGINOON, iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sinungaling. Kayong mga sinungaling, ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo? Parurusahan niya kayo sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal at nagliliyab na baga. Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama ng mga taong kasinsama ng mga taga-Mesec at mga taga-Kedar. Matagal na rin akong naninirahang kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan. Ang nais koʼy kapayapaan, ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan, ang gusto nilaʼy digmaan.
Mga Awit 120:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Mga Awit 120:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing, dininig niya ako sa aking dalangin. Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang, Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang. Sa kamay ng Diyos, kayong sinungaling, ano kayang parusa ang inyong kakamtin? Tutudlain kayo ng panang matalim, at idadarang pa sa may bagang uling. Ako ay kawawa; ako ay dayuhan, sa Meshec at Kedar, ako ay namuhay. Matagal-tagal ding ako'y nakapisan ng hindi mahilig sa kapayapaan. Kung kapayapaan ang binabanggit ko, pakikipagbaka ang laman ng ulo.
Mga Awit 120:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, At sinagot niya ako. Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, At mula sa magdarayang dila. Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, Ikaw na magdarayang dila? Mga hasang pana ng makapangyarihan, At mga baga ng enebro. Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, Na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. Ako'y sa kapayapaan: Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.