Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:105-111 - Compare All Versions

Mga Awit 119:105-111 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin, tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin. Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay, sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay. Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin. Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay; pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan. Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama, ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

Mga Awit 119:105-111 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang salita ninyo ay ilaw sa aking paanan, nagbibigay-liwanag sa aking daraanan. Nanumpa ako at muling nangangako na susundin ko ang mga matuwid na utos ninyo. Hirap na hirap na po ako PANGINOON; panatilihin ninyo akong buháy ayon sa inyong pangako. Tanggapin ninyo PANGINOON ang taos-puso kong pagpupuri, at ituro ninyo sa akin ang inyong mga utos. Kahit na akoʼy palagiang nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan. Ang masasamaʼy naghanda ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo ang mana kong walang hanggan, sapagkat itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan.

Mga Awit 119:105-111 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin, tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin. Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay, sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay. Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin. Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay; pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan. Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama, ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

Mga Awit 119:105-111 TLAB (Ang Biblia)

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.

Mga Awit 119:105-111 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, At liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. Ako'y nagdadalamhating mainam: Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. Ipinaglagay ako ng silo ng masama; Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailan man; Sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.