Mga Awit 119:1-6
Mga Awit 119:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban; ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap, sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos, upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. Kahihiyan ay hindi ko matitikman kailanpaman, kung ako ay susunod nang tapat sa iyong kautusan.
Mga Awit 119:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mapalad ang taong namumuhay nang walang kapintasan, at naaayon sa utos ng PANGINOON. Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Diyos, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban. Hindi sila gumagawa ng masama sa halip ay sumusunod sa mga pamamaraan ng Diyos. PANGINOON, ibinigay ninyo sa amin ang inyong mga tuntunin upang itoʼy matapat naming sundin. Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin. At hindi ako mapapahiya kapag sinunod ko ang inyong mga utos.
Mga Awit 119:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo! Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Mga Awit 119:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban; ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap, sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos, upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. Kahihiyan ay hindi ko matitikman kailanpaman, kung ako ay susunod nang tapat sa iyong kautusan.
Mga Awit 119:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mapalad silang sakdal sa lakad, Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, Upang aming sunding masikap. Oh matatag nawa ang aking mga daan, Upang sundin ang mga palatuntunan mo! Hindi nga ako mapapahiya, Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.