Mga Awit 112:1-10
Mga Awit 112:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan. Ang taong matuwid, may bait at habag, kahit sa madilim taglay ay liwanag. Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat. Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit. Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala. Wala siyang takot hindi nangangamba, alam na babagsak ang kaaway niya. Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas. Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.
Mga Awit 112:1-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Purihin ang PANGINOON! Mapalad ang taong may takot sa PANGINOON at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos. Ang mga anak niya ay magiging matagumpay, dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain. Yayaman ang kanyang sambahayan, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid, at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran. Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay. Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman. Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa PANGINOON. Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban. Nagbibigay siya sa mga dukha, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Diyos upang siyaʼy maparangalan. Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.
Mga Awit 112:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid. Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan. Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam.
Mga Awit 112:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan. Ang taong matuwid, may bait at habag, kahit sa madilim taglay ay liwanag. Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat. Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit. Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala. Wala siyang takot hindi nangangamba, alam na babagsak ang kaaway niya. Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas. Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.
Mga Awit 112:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid. Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: Ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, Hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, Ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan. Makikita ng masama, at mamamanglaw; Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: Ang nasa ng masama ay mapaparam.