Mga Awit 111:1-6
Mga Awit 111:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang. Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala; lahat niyang gawa'y dakila at wagas, katuwiran niya'y hindi magwawakas. Hindi maaalis sa ating gunita, si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha. Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira. Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay, nang ibigay niya lupa ng dayuhan.
Mga Awit 111:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Purihin ang PANGINOON! Buong puso kong pasasalamatan ang PANGINOON sa pagtitipon ng mga matuwid. Napakadakila ng mga gawa ng PANGINOON; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa. Ang lahat ng kanyang mga gawa ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan. At ang kanyang katuwiran ay nagpapatuloy magpakailanman. Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa. Siya ay mabuti at mahabagin. Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya, at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan. Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayan ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lupain ng ibang mga bansa.
Mga Awit 111:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan. Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan. Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Mga Awit 111:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang. Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala; lahat niyang gawa'y dakila at wagas, katuwiran niya'y hindi magwawakas. Hindi maaalis sa ating gunita, si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha. Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira. Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay, nang ibigay niya lupa ng dayuhan.
Mga Awit 111:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan. Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: Ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan. Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.