Mga Awit 107:23-32
Mga Awit 107:23-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok. Nang siya'y mag-utos, nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas, lumaki ang alon na kung pagmamasdan, ay pagkatataas. Ang sasakyan nila halos ay ipukol mula sa ibaba, kapag naitaas ang sasakyang ito'y babagsak na bigla; dahil sa panganib, ang pag-asa nila ay halos mawala. Ang kanilang anyo'y parang mga lasing na pahapay-hapay, dati nilang sigla't mga katangia'y di pakinabangan. Nang nababagabag, kay Yahweh sila ay tumawag, dininig nga sila at sa kahirapan, sila'y iniligtas. Ang bagyong malakas, pinayapa niya't kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat. Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Itong Panginoon ay dapat itanghal sa gitna ng madla, dapat na purihin sa kalipunan man ng mga matanda.
Mga Awit 107:23-32 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May mga taong sumakay sa mga barko at nagbiyahe sa karagatan, dahil ito ang kanilang hanapbuhay. Nakita nila ang kahanga-hangang mga gawa ng PANGINOON sa karagatan. Sa utos niya, ang hangin ay lumakas at lumaki ang mga alon. Kaya pumapaitaas ang kanilang barko nang napakataas at pumapailalim. At silaʼy nangatakot sa nagbabantang kapahamakan. Silaʼy susuray-suray na parang mga lasing, at hindi na alam kung ano ang gagawin. Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa PANGINOON, at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa. Pinatigil niya ang malakas na hangin at kumalma ang dagat. At nang kumalma ang dagat, silaʼy nagalak, at silaʼy pinatnubayan ng Diyos hanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan. Kaya dapat silang magpasalamat sa PANGINOON, dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao. Dapat nilang parangalan ang Diyos sa kanilang pagtitipon, at purihin siya sa pagtitipon ng mga namamahala sa kanila.
Mga Awit 107:23-32 Ang Biblia (TLAB)
Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig; Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman. Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon. Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan. Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan. Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik. Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
Mga Awit 107:23-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok. Nang siya'y mag-utos, nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas, lumaki ang alon na kung pagmamasdan, ay pagkatataas. Ang sasakyan nila halos ay ipukol mula sa ibaba, kapag naitaas ang sasakyang ito'y babagsak na bigla; dahil sa panganib, ang pag-asa nila ay halos mawala. Ang kanilang anyo'y parang mga lasing na pahapay-hapay, dati nilang sigla't mga katangia'y di pakinabangan. Nang nababagabag, kay Yahweh sila ay tumawag, dininig nga sila at sa kahirapan, sila'y iniligtas. Ang bagyong malakas, pinayapa niya't kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat. Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Itong Panginoon ay dapat itanghal sa gitna ng madla, dapat na purihin sa kalipunan man ng mga matanda.
Mga Awit 107:23-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, Na nangangalakal sa mga malawak na tubig; Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, At ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman. Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, Na nagbabangon ng mga alon niyaon. Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: Ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan. Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, At ang kanilang karunungan ay nawala. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, At inilabas niya sila sa kanilang kahirapan. Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, Na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik. Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, At purihin siya sa upuan ng mga matanda.