Mga Awit 107:21-22
Mga Awit 107:21-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya'y ibalita, umawit sa galak!
Mga Awit 107:21-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya dapat silang magpasalamat sa PANGINOON, dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao. Dapat silang mag-alay ng handog ng pasasalamat sa kanya at ihayag ang kanyang mga ginawa nang may masayang pag-aawitan.
Mga Awit 107:21-22 Ang Biblia (TLAB)
Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
Mga Awit 107:21-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya'y ibalita, umawit sa galak!
Mga Awit 107:21-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.