Mga Awit 107:10-16
Mga Awit 107:10-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa dakong madilim, may mga nakaupo na puspos ng lungkot, bilanggo sa dusa, at sa kahirapan sila'y nagagapos. Ang dahilan nito— sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos; mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod. Nahirapan sila, pagkat sa gawain sila'y hinagupit; sa natamong hirap, nang sila'y bumagsak ay walang lumapit. Sa gitna ng hirap, kay Yahweh sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila'y iligtas. Sa dakong madilim, sila ay hinango sa gitna ng lungkot, at ang tanikala sa kamay at paa ay kanyang nilagot. Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Winawasak niya, maging mga pinto na yari sa tanso, ang rehas na bakal ay nababaluktot kung kanyang mahipo.
Mga Awit 107:10-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May mga taong ibinilanggo at kinadenahan na nakaupo sa napakadilim na piitan. Nabilanggo sila dahil nagrebelde sila sa mga sinabi ng Kataas-taasang Diyos at hindi sumunod sa kanyang mga payo. Kaya pinahirapan niya sila sa kanilang mabigat na trabaho. Nabuwal sila ngunit walang sinumang sumaklolo. Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa PANGINOON, at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa. Pinutol niya ang kanilang mga kadena at silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan. Kaya dapat silang magpasalamat sa PANGINOON, dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao. Dahil giniba niya ang mga pintuang tanso at binali ang mga rehas na bakal.
Mga Awit 107:10-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw; Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan: Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
Mga Awit 107:10-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa dakong madilim, may mga nakaupo na puspos ng lungkot, bilanggo sa dusa, at sa kahirapan sila'y nagagapos. Ang dahilan nito— sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos; mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod. Nahirapan sila, pagkat sa gawain sila'y hinagupit; sa natamong hirap, nang sila'y bumagsak ay walang lumapit. Sa gitna ng hirap, kay Yahweh sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila'y iligtas. Sa dakong madilim, sila ay hinango sa gitna ng lungkot, at ang tanikala sa kamay at paa ay kanyang nilagot. Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Winawasak niya, maging mga pinto na yari sa tanso, ang rehas na bakal ay nababaluktot kung kanyang mahipo.
Mga Awit 107:10-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, Na natatali sa dalamhati at pangaw; Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, At hinamak ang payo ng Kataastaasan: Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; Sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, At pinatid ang kanilang mga tali. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, At pinutol ang mga halang na bakal.