Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 105:1-45

Mga Awit 105:1-45 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa, ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala. Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham, gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang. Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos, sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob. Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman, ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan. Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham, at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal; sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay, para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha, bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.” Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami, kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat, kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin, ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki, tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose; mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena, pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya. Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh, na siyang nangakong siya'y tutubusin. Ang ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya, pinalaya siya nitong haring ito na namamahala. Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala, sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala. Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo, siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo. Sa bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta, sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira. Ginawa ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang, pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway. Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil, ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos, sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila, sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita. Ang isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain, ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin. Ang ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy, pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy. Napuno ng mga palakang kay rami ang buong lupain, maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin. Sa utos ng Diyos ay maraming niknik ang biglang sumipot, sa lahat ng dako kay rami ng langaw, gayon din ng lamok. Sa halip na tubig, ay maraming yelo ang nagsilbing ulan, ang kulog at kidlat ay sala-salabat nilang nasaksihan. Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos, ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog. Isang utos lamang at biglang dumating ang maraming balang, langit ay nagdilim sa dinami-rami ay hindi mabilang. Lahat ng gulayin at mga halaman sa buong lupain, sinira ng balang, mga bunga nito'y kanilang kinain. Ang mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay, kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay. Pagkatapos nito, ang bayang Israel kanyang inilabas, malulusog sila't lumabas na dala'y mga ginto't pilak. Pawang nangatuwa ang mga Egipcio nang sila'y umalis, pagkat natakot na sa mga pahirap nilang tinitiis. Ang naging patnubay nila sa paglakad, kung araw ay ulap, at kung gabi naman ay haliging apoy na nagliliwanag. Nang sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita, at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna. Sa bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw, pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng ilang. Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan, ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham. Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod, nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog. Ang mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak, sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap. Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin, yaong kautusan, ang utos ni Yahweh ay kanilang sundin.

Mga Awit 105:1-45 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Pasalamatan nʼyo ang PANGINOON. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa. Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa PANGINOON. Magtiwala kayo sa PANGINOON, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya. Kayong mga lahi ni Abraham na lingkod ng Diyos, at mga lahi rin ni Jacob na kanyang hinirang, alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang paghatol. Siya ang PANGINOON na ating Diyos, siya ang humahatol sa buong mundo. Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman; ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi ang pangako niya kay Abraham, gayon din kay Isaac. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob, at magpapatuloy ito magpakailanman. Sinabi niya sa bawat isa sa kanila, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.” Nooʼy iilan pa lang ang mga mamamayan ng Diyos, at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan. Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian. Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos na apihin sila. Bilang proteksyon sa kanila ay sinaway niya ang mga hari. Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.” Nagpadala ang Diyos ng taggutom sa lupain ng Canaan. Kinuha niyang lahat ang kanilang pagkain. Ngunit may pinauna na siya sa Ehipto na tutulong sa kanila. Si Jose na ipinagbili roon bilang alipin. Kinadenahan ang kanyang mga paa at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg, hanggang sa nangyari ang kanyang propesiya. Ang mga sinabi ng PANGINOON na naganap sa kanya ay nagpatunay na siyaʼy matuwid. Pinalaya siya ng hari ng Ehipto na namamahala sa maraming tao, at ginawa siyang tagapamahala ng kanyang palasyo at mga ari-arian. Bilang tagapamahala, may kapangyarihan siyang turuan ang mga pinuno sa nasasakupan ng hari pati ang kanyang mga tagapayo. Pagkatapos, pumunta si Jacob at ang kanyang pamilya sa Ehipto, na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sila nanirahan bilang dayuhan. Pinarami ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayan, at naging makapangyarihan kaysa sa mga Ehipsiyo na kanilang kaaway. Pinahintulutan ng PANGINOON na galitin at lokohin ng mga Ehipsiyo ang mga mamamayan na kanyang lingkod. Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang. Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Diyos. Pinadilim ng Diyos ang lupain ng Ehipto, ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos. Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig, kaya namatay ang kanilang mga isda. Napuno ng palaka ang kanilang lupain, at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno. Nag-utos ang Diyos, at dumating sa kanilang lupain ang napakaraming niknik at lamok. Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain, yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat. Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos, at iba pang mga punongkahoy. Sa kanyang utos, dumating ang mga balang, at mga tipaklong na hindi mabilang. At kinaing lahat ang kanilang mga tanim, pati ang mga bunga nito. Pinatay ng Diyos ang lahat nilang panganay na lalaki. Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Ehipto na wala ni isa mang napahamak, at may dala pa silang mga pilak at ginto. At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak. Natuwa ang mga Ehipsiyo nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila. Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanila at kung gabi namaʼy apoy upang magbigay sa kanila ng liwanag. Ang mga taoʼy humingi ng makakain, at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit. Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig. Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa. Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyos dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako kay Abraham na kanyang lingkod. Pinalabas niya sa Ehipto ang kanyang mga mamamayan na masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan. Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng ibang bansa; ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba upang sundin nila ang kanyang mga tuntunin at kautusan.

Mga Awit 105:1-45 Ang Biblia (TLAB)

Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang. Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa. Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi; Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac; At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana; Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko. At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay. Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin: Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal: Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon. Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya. Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari: Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan. Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham. At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway. Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod. Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang. Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham. Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita. Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda. Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari. Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan. Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain. Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan. Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang, At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa. Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan. At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi. Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila. Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi, Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod. At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 105:1-45 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa, ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala. Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham, gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang. Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos, sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob. Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman, ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan. Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham, at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal; sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay, para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha, bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.” Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami, kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat, kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin, ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki, tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose; mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena, pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya. Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh, na siyang nangakong siya'y tutubusin. Ang ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya, pinalaya siya nitong haring ito na namamahala. Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala, sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala. Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo, siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo. Sa bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta, sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira. Ginawa ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang, pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway. Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil, ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos, sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila, sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita. Ang isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain, ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin. Ang ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy, pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy. Napuno ng mga palakang kay rami ang buong lupain, maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin. Sa utos ng Diyos ay maraming niknik ang biglang sumipot, sa lahat ng dako kay rami ng langaw, gayon din ng lamok. Sa halip na tubig, ay maraming yelo ang nagsilbing ulan, ang kulog at kidlat ay sala-salabat nilang nasaksihan. Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos, ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog. Isang utos lamang at biglang dumating ang maraming balang, langit ay nagdilim sa dinami-rami ay hindi mabilang. Lahat ng gulayin at mga halaman sa buong lupain, sinira ng balang, mga bunga nito'y kanilang kinain. Ang mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay, kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay. Pagkatapos nito, ang bayang Israel kanyang inilabas, malulusog sila't lumabas na dala'y mga ginto't pilak. Pawang nangatuwa ang mga Egipcio nang sila'y umalis, pagkat natakot na sa mga pahirap nilang tinitiis. Ang naging patnubay nila sa paglakad, kung araw ay ulap, at kung gabi naman ay haliging apoy na nagliliwanag. Nang sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita, at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna. Sa bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw, pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng ilang. Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan, ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham. Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod, nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog. Ang mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak, sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap. Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin, yaong kautusan, ang utos ni Yahweh ay kanilang sundin.

Mga Awit 105:1-45 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang. Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa. Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi; Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, At ang kaniyang sumpa kay Isaac; At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, Ang kapalaran na iyong mana; Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko. At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; Kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay. Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin: Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal: Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; Tinikman siya ng salita ng Panginoon. Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya. Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, At pinuno sa lahat niyang pagaari: Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan. Si Israel naman ay nasok sa Egipto; At si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham. At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway. Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod. Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, At si Aaron na kaniyang hirang. Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, At mga kababalaghan sa lupain ng Cham. Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita. Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, At pinatay ang kanilang mga isda. Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, Sa mga silid ng kanilang mga hari. Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan. Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, At liyab ng apoy sa kanilang lupain. Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan. Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, At ang mga higad, ay yao'y walang bilang, At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, At kinain ang bunga ng kanilang lupa. Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, Ang puno ng lahat nilang kalakasan. At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi. Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; Sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila. Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; At apoy upang magbigay liwanag sa gabi, Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, At binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, At si Abraham na kaniyang lingkod. At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, At ang kaniyang hirang na may awitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, At sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 105:1-45

Mga Awit 105:1-45 RTPV05Mga Awit 105:1-45 RTPV05Mga Awit 105:1-45 RTPV05