Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 10:1-18

Mga Awit 10:1-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon. Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, Walang Dios. Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila. Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan. Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan. Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili. Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas. Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot: Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man. Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: Huwag mong kalimutan ang dukha. Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo sisiyasatin? Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: Ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; Ikaw ay naging tagakandili sa ulila. Baliin mo ang bisig ng masama: At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.

Mga Awit 10:1-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

O Yahweh, bakit masyado kang malayo? Sa panahon ng gulo, bakit ka nagtatago? Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa. Ipinagyayabang ng masasama ang kanilang mga hangarin; si Yahweh ay nilalait at sinusumpa ng mga sakim. Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,” sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan. Ang masasama'y palaging nagtatagumpay; ang hatol ng Diyos ay di nila nauunawaan, palagi nilang tinutuya ang kanilang mga kaaway. Sinasabi nila sa sarili, “Hindi kami mabibigo; kaguluhan sa buhay, hindi namin matatamo.” Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya, dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita. Sa mga nayon sila'y nag-aabang, upang paslangin ang walang kamalay-malay. Para silang leon na nasa taguan, mga kawawang dukha'y inaabangan, hinuhuli ang mga ito sa kanilang bitag, at pagkatapos ay kinakaladkad. Dahan-dahan silang gumagapang, upang biktimahin ang mga mahihina. Ganito ang sabi ng masasama, “Ang Diyos ay walang pakialam! Mata niya'y nakapikit, di niya ako mapagmamasdan.” Gumising ka, O Yahweh, at ang masasama'y parusahan, silang mga naghihirap ay huwag mong kalimutan! Bakit hinahayaan ng Diyos na hamakin siya ng masasama, na nagsasabing ang parusahan sila'y di raw niya magagawa? Subalit nakikita mo ang hirap at kaapihan, at ikaw ay palaging handang dumamay. Ang mga kapus-palad ay sa iyo lang umaasa, sa tuwina'y sumasaklolo ka sa mga ulila. Mga braso ng masasama'y iyong baliin, parusahan mo sila't kasamaa'y sugpuin. Naghahari si Yahweh magpakailanpaman, mga bansang may ibang Diyos, sa lupa'y mapaparam. Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Mga Awit 10:1-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)

PANGINOON, bakit napakalayo nʼyo? Bakit kayo nagtatago sa mga oras ng gulo? Ang dukhaʼy pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Nawaʼy sa kanila mangyari ang masasamang plano nila. Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhan ng kanilang puso. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang PANGINOON. Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, ang Diyos ay kanilang binabalewala, at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila. Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, walang pag-aalala na silaʼy hahatulan. Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway. Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema. Silaʼy lapastangan kapag nagsasalita, mga sinungaling at mapagbanta, at sila rin ang sumasambit ng mga salitang masasama at masasakit. Sa mga nayon silaʼy nagtatago; nag-aabang ng mga inosente na kanilang papatayin. Para silang leon na nakakubli at nag-aabang, para sakmalin at kaladkarin ang mahihirap. Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa, hanggang sa hindi na makabangon pa. Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Diyos at hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa. Parusahan nʼyo na po, PANGINOONG Diyos, ang taong masama. Huwag nʼyo pong pabayaan ang mga inaapi. Bakit nilalait ng taong masama ang Diyos? Sinasabi pa niya, “Hindi tayo parurusahan ng Diyos.” Ngunit nakikita nʼyo, O Diyos, ang mga taong nagdurusa at naghihirap. Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga naulila, at nakahanda kayong tumulong sa kanila. Tanggalan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan sila hanggang silaʼy tumigil na sa kanilang kasamaan. Ang PANGINOON, ay Hari magpakailanman! Ngunit ang mga bansang hindi kumikilala sa kanya ay palalayasin sa bayan niya. PANGINOON, naririnig ninyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pinapakinggan ninyo sila at pinalalakas. Ipinagtatanggol ninyo ang mga ulila at mga api, upang wala nang mga taong mananakot ng kapwa, sapagkat silaʼy tao rin lang.

Mga Awit 10:1-18 Ang Biblia (TLAB)

Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon. Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios. Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila. Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan. Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan. Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili. Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas. Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man. Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: huwag mong kalimutan ang dukha. Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, at nagsasabi sa kaniyang puso: hindi mo sisiyasatin? Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; ikaw ay naging tagakandili sa ulila. Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.

Mga Awit 10:1-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)