Mga Kawikaan 7:1-5
Mga Kawikaan 7:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Aking anak, salita ko sana ay ingatan, itanim sa isip at huwag kalimutan. Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal, turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata. Ito'y itali mo sa iyong mga kamay, at sikapin mong matanim sa iyong isipan. Ang karunungan ay ituring mo na babaing kapatid, at ang pang-unawa nama'y kaibigang matalik. Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya, nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.
Mga Kawikaan 7:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Anak, sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Itanim mo ito sa iyong isipan at sundin ang mga iniuutos ko, upang humaba ang buhay mo. Ingatan mong mabuti ang mga itinuturo ko katulad ng pag-iingat mo sa iyong mga mata. Itanim mo sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan. Ituring mong kapatid na babae ang karunungan at ang pang-unawa gaya ng isang malapít na kaibigan. Sapagkat ilalayo ka nila sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
Mga Kawikaan 7:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos. Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso. Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa: Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
Mga Kawikaan 7:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Aking anak, salita ko sana ay ingatan, itanim sa isip at huwag kalimutan. Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal, turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata. Ito'y itali mo sa iyong mga kamay, at sikapin mong matanim sa iyong isipan. Ang karunungan ay ituring mo na babaing kapatid, at ang pang-unawa nama'y kaibigang matalik. Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya, nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.
Mga Kawikaan 7:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, At impukin mo sa iyo ang aking mga utos. Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; At ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. Itali mo sa iyong mga daliri; Ikintal mo sa iyong puso. Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; At tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa: Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; Sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.