Mga Kawikaan 5:21-22 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Kawikaan 5:21-22 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit. Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan.
Mga Kawikaan 5:21-22 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sapagkat nakikita ng PANGINOON ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon, tinitingnan ka niya. Ang masasamang tao ay bihag ng kanilang kasamaan; para itong bitag na huhuli sa kanila.
Mga Kawikaan 5:21-22 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit. Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan.
Mga Kawikaan 5:21-22 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.
Mga Kawikaan 5:21-22 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, At kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.