Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 5:20-23 - Compare All Versions

Mga Kawikaan 5:20-23 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik. Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit. Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan. Pagkat walang pagpipigil, siya ay mamamatay at dahil sa kamangmangan, hantungan niya'y sa libingan.

Mga Kawikaan 5:20-23 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay? Bakit mo yayakapin ang dibdib niya? Sapagkat nakikita ng PANGINOON ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon, tinitingnan ka niya. Ang masasamang tao ay bihag ng kanilang kasamaan; para itong bitag na huhuli sa kanila. Mamamatay sila dahil wala silang disiplina; silaʼy iniligaw ng kahangalan nila.

Mga Kawikaan 5:20-23 TLAB (Ang Biblia)

Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala? Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan. Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.

Mga Kawikaan 5:20-23 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik. Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit. Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan. Pagkat walang pagpipigil, siya ay mamamatay at dahil sa kamangmangan, hantungan niya'y sa libingan.

Mga Kawikaan 5:20-23 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, At yayakap sa sinapupunan ng di kilala? Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, At kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan. Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; At sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.