Mga Kawikaan 5:1-7
Mga Kawikaan 5:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Aking anak, karununga'y pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya, at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya. Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog, hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan. Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay, ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman. Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig, huwag lilimutin, salita ng aking bibig.
Mga Kawikaan 5:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Anak, pakinggan mong mabuti ang mga sasabihin kong may karunungan, upang malaman mo ang pagpapasya ng tama at matuto ka ring magsalita nang may karunungan. Ang salita ng masamang babae ay kasintamis ng pulot at banayad tulad ng langis. Ngunit pagkatapos ay pait at sakit ang iyong makakamit na para bang sugat na mula sa espadang magkabila ang talim. Kung susunod ka sa kanya, dadalhin ka niya sa kapahamakan, sapagkat ang nilalakaran niya ay patungo sa kamatayan. Hindi niya pinapansin ang daan patungo sa buhay. Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko at hindi niya ito nalalaman. Kaya mga anak, pakinggan ninyo ako at sundin.
Mga Kawikaan 5:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
Mga Kawikaan 5:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Aking anak, karununga'y pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya, at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya. Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog, hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan. Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay, ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman. Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig, huwag lilimutin, salita ng aking bibig.
Mga Kawikaan 5:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: Upang makapagingat ka ng kabaitan, At upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, At ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, Matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; Ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; Ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, At huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.