Mga Kawikaan 4:25-27
Mga Kawikaan 4:25-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw, ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan. Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.
Mga Kawikaan 4:25-27 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ituon mo ang iyong paningin sa mga bagay na mabuti. Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga gagawin upang magtagumpay ka. Mamuhay ka sa katuwiran at layuan mo ang kasamaan.
Mga Kawikaan 4:25-27 Ang Biblia (TLAB)
Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad. Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.
Mga Kawikaan 4:25-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw, ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan. Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.
Mga Kawikaan 4:25-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Tuminging matuwid ang iyong mga mata, At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, At mangatatag ang lahat ng iyong lakad. Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.