Mga Kawikaan 4:1-4
Mga Kawikaan 4:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi, kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi. Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama, batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina, itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.
Mga Kawikaan 4:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa. Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala. Noong bata pa ako at nasa piling pa ng aking mga magulang, mahal na mahal ako ng aking ina bilang nag-iisang anak. Tinuruan ako ni ama. Sinabi niya sa akin, “Anak, ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo ko. Sundin mo ang mga utos ko at mabubuhay ka nang matagal.
Mga Kawikaan 4:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka
Mga Kawikaan 4:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi, kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi. Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama, batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina, itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.
Mga Kawikaan 4:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. Sapagka't ako'y anak sa aking ama, Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka