Mga Kawikaan 31:13-17 - Compare All Versions
Mga Kawikaan 31:13-17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw.
Mga Kawikaan 31:13-17 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Masigasig siyang humahabi ng mga telang lino at lana. Tulad siya ng barko ng mga mangangalakal; nagdadala siya ng mga pagkain kahit galing pa siya sa malayong lugar. Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, at para sabihan ang mga babaeng katulong ng mga dapat nilang gawin. Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. At mula sa kanyang sariling ipon, pinapataniman niya ito ng ubas. Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa.
Mga Kawikaan 31:13-17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw.
Mga Kawikaan 31:13-17 TLAB (Ang Biblia)
Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig.
Mga Kawikaan 31:13-17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, At gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; Nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, At nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, At ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: Sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, At nagpapalakas ng kaniyang mga bisig.