Mga Kawikaan 3:4-5 - Compare All Versions
Mga Kawikaan 3:4-5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
Mga Kawikaan 3:4-5 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Diyos pati na ang mga tao. Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.
Mga Kawikaan 3:4-5 TLAB (Ang Biblia)
Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan
Mga Kawikaan 3:4-5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
Mga Kawikaan 3:4-5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, Sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan