Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 29:26-27 - Compare All Versions

Mga Kawikaan 29:26-27 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan. Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.

Mga Kawikaan 29:26-27 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Marami ang lumalapit sa pinuno upang silaʼy mapakinggan ngunit tanging ang PANGINOON lamang ang nagbibigay ng katarungan. Kinasusuklaman ng matutuwid ang masasamâ, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang matutuwid.

Mga Kawikaan 29:26-27 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan. Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.

Mga Kawikaan 29:26-27 TLAB (Ang Biblia)

Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.

Mga Kawikaan 29:26-27 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: Nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: At ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.