Mga Kawikaan 29:2-4
Mga Kawikaan 29:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama. Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan. Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.

Mga Kawikaan 29:2-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kapag matutuwid ang namamahala, nagdiriwang ang madla. Ngunit kapag ang nangunguna ay masama, silaʼy lumuluha. Ang naghahangad ng karunungan ay nagdudulot ng kasiyahan sa magulang. Ang nakikisama sa babaeng bayaran ay nagwawaldas ng kayamanan. Kapag ang layunin ng hari ay katarungan, pinatatatag niya ang kanyang kaharian, ngunit kapag ang layunin niya ay humingi ng suhol, winawasak niya ang kanyang kaharian.
Mga Kawikaan 29:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.
Mga Kawikaan 29:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama. Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan. Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.
Mga Kawikaan 29:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: Nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: Nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: Nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.