Mga Kawikaan 29:2-18
Mga Kawikaan 29:2-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama. Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan. Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman. Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa, nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda. Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan, ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan. Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang. Ang buong bayan ay ginugulo ng palalo, ngunit ang galit ay pinapawi ng taong matino. Kapag inihabla ng may unawa ang isang taong mangmang, ito'y hahalakhak lang at lilikha ng kaguluhan. Ang mamamatay-tao ay namumuhi sa taong tapat, ngunit ang matuwid, sa kanila'y nag-iingat. Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata. Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan. Magkapareho sa iisang bagay ang mahirap at maniniil: Si Yahweh ang may bigay ng kanilang paningin. Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay, magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian. Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan. Kapag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan, ngunit masasaksihan ng matuwid ang kanilang kapahamakan. Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan. Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan.
Mga Kawikaan 29:2-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kapag matutuwid ang namamahala, nagdiriwang ang madla. Ngunit kapag ang nangunguna ay masama, silaʼy lumuluha. Ang naghahangad ng karunungan ay nagdudulot ng kasiyahan sa magulang. Ang nakikisama sa babaeng bayaran ay nagwawaldas ng kayamanan. Kapag ang layunin ng hari ay katarungan, pinatatatag niya ang kanyang kaharian, ngunit kapag ang layunin niya ay humingi ng suhol, winawasak niya ang kanyang kaharian. Ang taong nagkukunwaring pumupuri sa kanyang kapwa ay may pinaplanong masama. Ang taong masama ay mahuhuli sa sarili niyang kasalanan, ngunit ang matuwid ay aawit nang may kagalakan. Kinikilala ng taong matuwid ang karapatan ng mahihirap, ngunit hindi nauunawaan ng taong masama ang mga bagay na ito. Ang mga taong nangungutya ay nagpapasimula ng gulo sa mga bayan, ngunit ang matatalino ang nagpapatigil nito. Kapag inihabla ng matalino ang hangal, hindi titigil ang hangal sa pagwawala at panunuya, at hindi magkakaroon ng kapayapaan. Kinamumuhian at gustong patayin ng mamamatay-tao ang mga taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan. Ang taong hangal ay hindi makapagpigil sa kanyang galit, ngunit ang taong marunong ay nakapagpipigil ng kanyang sarili. Kapag ang pinuno ay naniniwala sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niyaʼy mabubuyo sa kasamaan. Ang mahirap at ang mapang-api ay parehong binigyan ng PANGINOON ng paningin. Kung ang paghatol ng isang hari sa mahihirap ay makatarungan, ang paghahari niyaʼy magiging matatag magpakailanman. Ang pagpalo at pagsaway sa bata upang siyaʼy ituwid ay magtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung siya ay pababayaan, ipapahiya niya ang kanyang ina. Kapag masama ang namumuno, nadadagdagan ang kasamaan. Ngunit sila ay mapapahamak at makikita ito ng mga matuwid. Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan at kaligayahan. Kapag walang pahayag mula sa Diyos, nagkakagulo ang mga tao, subalit mapalad ang taong sumusunod sa kautusan.
Mga Kawikaan 29:2-18 Ang Biblia (TLAB)
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba. Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang. Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak. Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam. Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot. Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan. Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay. Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay. Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama. Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa. Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.
Mga Kawikaan 29:2-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama. Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan. Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman. Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa, nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda. Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan, ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan. Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang. Ang buong bayan ay ginugulo ng palalo, ngunit ang galit ay pinapawi ng taong matino. Kapag inihabla ng may unawa ang isang taong mangmang, ito'y hahalakhak lang at lilikha ng kaguluhan. Ang mamamatay-tao ay namumuhi sa taong tapat, ngunit ang matuwid, sa kanila'y nag-iingat. Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata. Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan. Magkapareho sa iisang bagay ang mahirap at maniniil: Si Yahweh ang may bigay ng kanilang paningin. Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay, magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian. Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan. Kapag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan, ngunit masasaksihan ng matuwid ang kanilang kapahamakan. Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan. Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan.
Mga Kawikaan 29:2-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: Nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: Nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: Nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba. Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa Naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang. Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: Nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak. Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: Ang masama ay walang unawang makaalam. Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: Nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot. Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, Magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan. Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: At tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay. Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: Nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay. Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, Lahat niyang mga lingkod ay masasama. Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; Pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa. Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, Ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: Nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: Nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: Nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.