Mga Kawikaan 26:1-2
Mga Kawikaan 26:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang papuri'y di angkop sa taong mangmang, parang ulan ng yelo sa tag-araw o panahon ng anihan. Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad.
Mga Kawikaan 26:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kung paanong hindi nababagay na mag-nyebe sa tag-araw at umulan sa panahon ng tag-ani, hindi rin nababagay na parangalan ang taong hangal. Ang sumpa ay hindi tatalab sa walang kasalanan. Tulad ito ng ibong hindi dumadapo at lilipad-lipad lamang.
Mga Kawikaan 26:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
Mga Kawikaan 26:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang papuri'y di angkop sa taong mangmang, parang ulan ng yelo sa tag-araw o panahon ng anihan. Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad.
Mga Kawikaan 26:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, Gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, Gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.