Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 2:7-10 - Compare All Versions

Mga Kawikaan 2:7-10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan. Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan. Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.

Mga Kawikaan 2:7-10 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Pinagtatagumpay niya ang taong matuwid, siyaʼy kalasag ng mga walang kapintasan. Sapagkat siya ang nagbabantay sa kanilang daraanan, at ang kanilang landas ay kanyang iingatan. Sa gayoʼy mauunawaan mo kung ano ang tama at mali, kung alin ang makatarungan, at masusunod mo ang daang mabuti para sa iyo. Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan.

Mga Kawikaan 2:7-10 TLAB (Ang Biblia)

Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat; Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal. Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa

Mga Kawikaan 2:7-10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan. Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan. Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.

Mga Kawikaan 2:7-10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat; Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, At maingatan ang daan ng kaniyang mga banal. Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa