Mga Kawikaan 2:3-6 - Compare All Versions
Mga Kawikaan 2:3-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos. Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
Mga Kawikaan 2:3-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Manawagan ka upang ikaʼy maging marunong, at magsumamo ka upang ikaʼy makaunawa na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan. Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa PANGINOON at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya. Sapagkat ang PANGINOON ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.
Mga Kawikaan 2:3-6 TLAB (Ang Biblia)
Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan
Mga Kawikaan 2:3-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos. Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
Mga Kawikaan 2:3-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan