Mga Kawikaan 19:2-3
Mga Kawikaan 19:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala. Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa PANGINOON ibinabaling ang sisi.
Mga Kawikaan 19:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan. Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili, pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi.
Mga Kawikaan 19:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala. Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa PANGINOON ibinabaling ang sisi.
Mga Kawikaan 19:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala. Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon.
Mga Kawikaan 19:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan. Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili, pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi.
Mga Kawikaan 19:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; At siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala. Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; At ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon.