Mga Kawikaan 16:17-19
Mga Kawikaan 16:17-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay. Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.
Mga Kawikaan 16:17-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang daan ng matuwid ay lumilihis sa kasamaan; silang maingat sa kanilang landas ay naililigtas ang kanilang buhay. Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak. Mas mabuti pang magpakumbaba kasama ng mga mahihirap kaysa makibahagi sa kayamanang kinamkam ng mga mayayabang.
Mga Kawikaan 16:17-19 Ang Biblia (TLAB)
Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.
Mga Kawikaan 16:17-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay. Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.
Mga Kawikaan 16:17-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, Kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.