Mga Kawikaan 15:13-33 - Compare All Versions
Mga Kawikaan 15:13-33 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi. Ang taong may unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang mangmang ay nasisiyahan na sa kanyang kahangalan. Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya. Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban. Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit. Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan. Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid. Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina. Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman. Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay. Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang. Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas, upang maiwasan ang daigdig ng mga patay. Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos. Kasuklam-suklam kay Yahweh ang iniisip ng masama, ngunit kasiyahan niya ang pangungusap ng may malinis na diwa. Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan, ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal. Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain. Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig. Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan, at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan. Ang marunong makinig sa paalala ay mayroong unawa at mabuting pasya. Ipinapahamak ang sarili ng ayaw makinig sa pangaral, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala ay nagdaragdag ng kaalaman. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.
Mga Kawikaan 15:13-33 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya, ngunit kapag ang tao ay malungkot, mukha niya ay nakasimangot. Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang taong hangal ay naghahangad pa ng kahangalan. Ang buhay ng mga dukha ay palaging mahirap, ngunit kung makukuntento lang sila ay palagi silang magiging masaya. Mas mabuti pang maging mahirap na may takot sa PANGINOON, kaysa maging mayaman na ang buhay ay puno ng kaguluhan. Mas mabuti pa ang mag-ulam ng kahit gulay lang ngunit may pagmamahalan, kaysa sa mag-ulam ng pinatabang guya ngunit may alitan. Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo. Ang daanan ng tamad ay puno ng dawag, ngunit ang daanan ng matuwid ay malinis na kalsada. Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang. Ang taong walang isip ay nagagalak sa kahangalan, ngunit ang taong may pang-unawa ay namumuhay sa katuwiran. Nabibigo ang plano kapag walang nagpapayo, ngunit kapag maraming tagapayo, magtatagumpay ang mga ito. Nagagalak ang tao kapag akma ang sagot niya. Mas nagagalak siya kung nakakasagot siya sa tamang pagkakataon. Ang daan patungo sa buhay ang sinusundan ng taong maalam at iniiwasan niya ang daan patungo sa kamatayan. Wawasakin ng PANGINOON ang bahay ng hambog, ngunit iingatan niya ang lupain ng biyuda. Kinasusuklaman ng PANGINOON ang iniisip ng masasamang tao, ngunit nagagalak siya sa iniisip ng mga taong may malinis na puso. Ang taong yumaman sa masamang paraan ay nagdudulot ng kaguluhan sa kanyang sambahayan. Mabubuhay naman nang matagal ang taong hindi nasusuhulan. Ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna ang sasabihin, ngunit ang taong masama ay basta na lamang nagsasalita. Malayo ang PANGINOON sa masasamâ, ngunit malapit siya sa matutuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin. Ang masayang mukha ay nagbibigay ng tuwa at nagpapasigla ang magandang balita. Ang taong nakikinig sa mga turo ng buhay ay maibibilang sa mga marurunong. Pinapasama ng tao ang kanyang sarili kapag binabalewala niya ang pagtutuwid sa kanyang pag-uugali, ngunit kung makikinig siya, lalago ang kanyang kaalaman. Ang takot sa PANGINOON ay nagtuturo ng karunungan, at ang nagpapakumbaba ay pinaparangalan.
Mga Kawikaan 15:13-33 TLAB (Ang Biblia)
Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan. Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad. Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag. Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti! Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao. Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay. Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay. Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay. Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid. Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto. Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay, ay tatahan sa gitna ng pantas. Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.
Mga Kawikaan 15:13-33 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi. Ang taong may unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang mangmang ay nasisiyahan na sa kanyang kahangalan. Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya. Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban. Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit. Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan. Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid. Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina. Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman. Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay. Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang. Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas, upang maiwasan ang daigdig ng mga patay. Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos. Kasuklam-suklam kay Yahweh ang iniisip ng masama, ngunit kasiyahan niya ang pangungusap ng may malinis na diwa. Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan, ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal. Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain. Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig. Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan, at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan. Ang marunong makinig sa paalala ay mayroong unawa at mabuting pasya. Ipinapahamak ang sarili ng ayaw makinig sa pangaral, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala ay nagdaragdag ng kaalaman. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.
Mga Kawikaan 15:13-33 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan. Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: Nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, Kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, Kay sa matabang baka at may pagtataniman. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: Nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: Nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: Nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad. Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag. Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: At ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti! Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, Upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: Nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao. Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay. Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: Nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay. Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: Nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay. Ang Panginoon ay malayo sa masama: Nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid. Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: At ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto. Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay, Ay tatahan sa gitna ng pantas. Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: Nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; At sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.