Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 14:26-27 - Compare All Versions

Mga Kawikaan 14:26-27 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan.

Mga Kawikaan 14:26-27 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang taong may takot sa PANGINOON ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan. Ang pagkatakot sa PANGINOON ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at maglalayo sa iyo sa bitag ng kamatayan.

Mga Kawikaan 14:26-27 TLAB (Ang Biblia)

Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.

Mga Kawikaan 14:26-27 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan.

Mga Kawikaan 14:26-27 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: At ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, Upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.