Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 13:1-12 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Kawikaan 13:1-12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan, ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman. Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay, ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala. Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw, ngunit ang masama ay lamparang namamatay. Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan. Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

Mga Kawikaan 13:1-12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang matalinong anak ay nakikinig sa pangaral ng kanyang ama, ngunit ang mapangkutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya. Ang taong nagsasalita ng mabuti ay gagantihan ng mabuting bagay, ngunit ang salita ng taong hindi tapat ay gagantihan ng karahasan. Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan. Ang puso ng tamad ay puno ng hangarin, na hindi niya makakamtan, ngunit ang inaasam ng masipag ay tiyak na matutugunan. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya. Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan. May mga taong nagkukunwaring mayaman ngunit mahirap naman, at may mga nagkukunwaring mahirap ngunit mayaman naman. Ang taong mayaman ay may pantubos ng kanyang buhay, ngunit ang taong mahirap ay hindi man lang pinagtatangkaan. Ang buhay ng taong matuwid ay parang ilaw na maliwanag, ngunit ang buhay ng masama ay parang ilaw na namatay. Ang kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagtatalo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan. Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang hangaring naantala ay nakapanghihina, ngunit ang hangaring natupad ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.

Mga Kawikaan 13:1-12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan, ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman. Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay, ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala. Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw, ngunit ang masama ay lamparang namamatay. Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan. Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

Mga Kawikaan 13:1-12 TLAB (Ang Biblia)

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway. Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan, Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan. Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba. Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya. Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan. May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: may nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan. Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta. Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin. Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi. Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan. Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.

Mga Kawikaan 13:1-12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway. Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: Nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan, Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan. Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba. Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya. Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan. May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan. Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta. Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: Nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin. Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: Nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi. Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: Nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan. Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: Nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.