Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 11:2-3 - Compare All Versions

Mga Kawikaan 11:2-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan. Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

Mga Kawikaan 11:2-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba. Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.

Mga Kawikaan 11:2-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan. Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

Mga Kawikaan 11:2-3 TLAB (Ang Biblia)

Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan. Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.

Mga Kawikaan 11:2-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: Nguni't nasa mababa ang karunungan. Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.