Mga Taga-Filipos 4:10-11
Mga Taga-Filipos 4:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako. Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.

Mga Taga-Filipos 4:10-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Lubos akong nagagalak sa Panginoon dahil muli ninyong ipinakita ang pagmamalasakit ninyo sa akin. Alam kong palagi kayong nagmamalasakit sa akin, kaya lang wala kayong pagkakataong maipakita ito. Hindi ko sinasabi ito dahil nanghihingi ako ng tulong sa inyo. Sapagkat natutunan kong maging kontento anuman ang kalagayan ko.
Mga Taga-Filipos 4:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon. Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.
Mga Taga-Filipos 4:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako. Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.
Mga Taga-Filipos 4:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)