Mga Taga-Filipos 4:10
Mga Taga-Filipos 4:10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako.
Mga Taga-Filipos 4:10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Lubos akong nagagalak sa Panginoon dahil muli ninyong ipinakita ang pagmamalasakit ninyo sa akin. Alam kong palagi kayong nagmamalasakit sa akin, kaya lang wala kayong pagkakataong maipakita ito.
Mga Taga-Filipos 4:10 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.
Mga Taga-Filipos 4:10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako.
Mga Taga-Filipos 4:10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)