Mga Taga-Filipos 3:3
Mga Taga-Filipos 3:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tayo ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus. Hindi tayo umaasa sa mga panlabas na seremonya.
Mga Taga-Filipos 3:3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit tayo ang totoong tuli, dahil naglilingkod tayo sa Diyos sa tulong ng kanyang Espiritu, at ipinagmamalaki ang ginawa ni Kristo Hesus. Hindi tayo nagtitiwala sa mga panlabas na seremonya o panuntunan.
Mga Taga-Filipos 3:3 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman
Mga Taga-Filipos 3:3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)