Mga Taga-Filipos 3:17-18
Mga Taga-Filipos 3:17-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, tumulad kayo sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo ng pansin ang lahat ng sumusunod sa aming halimbawa. Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo.
Mga Taga-Filipos 3:17-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, tularan ninyo ako, at tularan din ninyo ang iba pang namumuhay nang tulad namin. Sapagkat marami ang namumuhay na kumukontra sa kahulugan ng kamatayan ni Kristo sa krus. Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo noon pa ang tungkol dito, at ngayoʼy sinasabi kong muli na may kasamang luha.
Mga Taga-Filipos 3:17-18 Ang Biblia (TLAB)
Mga kapatid, kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin. Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo
Mga Taga-Filipos 3:17-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, tumulad kayo sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo ng pansin ang lahat ng sumusunod sa aming halimbawa. Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo.
Mga Taga-Filipos 3:17-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)