Mga Taga-Filipos 2:6-7
Mga Taga-Filipos 2:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao
Mga Taga-Filipos 2:6-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bagamaʼt siya ay Diyos, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan. Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin.
Mga Taga-Filipos 2:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao
Mga Taga-Filipos 2:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)