Mga Taga-Filipos 2:12-30
Mga Taga-Filipos 2:12-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo. Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan. Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama. Kaya, binabalak kong papuntahin siya riyan pagkatapos kong matiyak ang magiging kalagayan ko rito. Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon. Inisip kong kailangan nang pauwiin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong rin dito. Sabik na sabik na siya sa inyong lahat. Nag-aalala siya dahil sa nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Tunay ngang siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan. Kaya nga, nais ko ring makauwi na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang inyong kakulangan sa akin.
Mga Taga-Filipos 2:12-30 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya. Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin. Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko diyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, upang masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan, halip na ang mga bagay ukol kay Hesu-Kristo. Ngunit alam ninyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita. Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito. At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin ang kapatid nating si Epafrodito na pinapunta ninyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at kapwa kawal ng Diyos. Sapagkat, sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Diyos sa kanya at maging sa akin, upang hindi madagdagan ang aking kalungkutan. Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita na ninyo ulit siya, at hindi na rin ako mag-aalala. Kaya tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya, dahil nalagay sa panganib ang buhay niya para sa gawain ni Kristo. Itinaya niya ang buhay niya upang matulungan ako bilang kinatawan ninyo.
Mga Taga-Filipos 2:12-30 Ang Biblia (TLAB)
Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo: Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan, Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan. Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat: At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin. Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan. Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan. Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo. Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio. Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin: Datapuwa't umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali. Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan. Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit: Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan. Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan. Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo: Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.
Mga Taga-Filipos 2:12-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo. Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan. Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama. Kaya, binabalak kong papuntahin siya riyan pagkatapos kong matiyak ang magiging kalagayan ko rito. Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon. Inisip kong kailangan nang pauwiin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong rin dito. Sabik na sabik na siya sa inyong lahat. Nag-aalala siya dahil sa nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Tunay ngang siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan. Kaya nga, nais ko ring makauwi na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang inyong kakulangan sa akin.
Mga Taga-Filipos 2:12-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)