Mga Taga-Filipos 1:12-18
Mga Taga-Filipos 1:12-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagiging tagasunod ni Cristo. At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita. Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang nangangaral nang may tapat na hangarin. Si Cristo'y ipinapangaral nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang upang ipagtanggol ang Magandang Balita. Ngunit ang iba ay nangangaral nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin, sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking pagkakabilanggo. Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon. Ikinagagalak ko pa nga na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi ang hangarin ng ibang mga nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak
Mga Taga-Filipos 1:12-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang lahat ng nangyari sa akin ay nakatulong pa sa paglaganap ng Magandang Balita. Sapagkat alam na ng lahat ng guwardiya sa palasyo at ng iba pang naririto na nabilanggo ako dahil sa pagsunod ko kay Kristo. Dahil din sa pagkakabilanggo ko, lalo pang tumibay ang pananampalataya ng karamihan sa ating mga kapatid sa Panginoon at lalo rin silang tumapang sa pagpapahayag ng Magandang Balita. Totoong may ilan diyan na nangangaral lang tungkol kay Kristo dahil naiinggit sila sa akin at gusto nilang ipakita na mas magaling sila kaysa sa akin. Ngunit may ilan din namang tapat ang hangarin sa pangangaral. Nangangaral sila dahil sa pagmamahal, at alam nilang dinala ako rito ng Diyos para ipagtanggol ang Magandang Balita. Ang mga taong naiinggit ay hindi tapat sa pangangaral nila tungkol kay Kristo. Ginagawa nila ito dahil sa pansariling hangarin. Inaakala nilang lalo pang madadagdagan ang mga paghihirap ko sa bilangguan dahil sa ginagawa nila. Ngunit walang anuman ang lahat ng iyon sa akin. Tama man o mali ang hangarin nila, ang mahalagaʼy naipapangaral si Kristo, at dahil ditoʼy nagagalak ako. At patuloy akong magagalak
Mga Taga-Filipos 1:12-18 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio; Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa; At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios. Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban: Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio; Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala. Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.
Mga Taga-Filipos 1:12-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagiging tagasunod ni Cristo. At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita. Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang nangangaral nang may tapat na hangarin. Si Cristo'y ipinapangaral nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang upang ipagtanggol ang Magandang Balita. Ngunit ang iba ay nangangaral nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin, sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking pagkakabilanggo. Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon. Ikinagagalak ko pa nga na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi ang hangarin ng ibang mga nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak
Mga Taga-Filipos 1:12-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)