Mga Taga-Filipos 1:1-4
Mga Taga-Filipos 1:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kina Pablo at Timoteo na mga alipin ni Cristo Jesus, Para sa mga taga-Filipos na tagasunod ni Cristo Jesus, gayundin sa mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak
Mga Taga-Filipos 1:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula kay Pablo, kasama si Timoteo na kapwa ko lingkod ni Kristo Hesus, Sa mga hinirang ng Diyos na nakay Kristo Hesus na nasa Filipos, kasama ang mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo. Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Diyos. Palagi akong masaya sa tuwing nananalangin ako para sa inyong lahat
Mga Taga-Filipos 1:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala, Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat
Mga Taga-Filipos 1:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kina Pablo at Timoteo na mga alipin ni Cristo Jesus, Para sa mga taga-Filipos na tagasunod ni Cristo Jesus, gayundin sa mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak
Mga Taga-Filipos 1:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)