Filemon 1:1-7
Filemon 1:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Pablo, isang bilanggo dahil kay Cristo Jesus, at mula kay Timoteo na ating kapatid— Para kay Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa, at para sa iglesyang nagtitipon sa iyong bahay; kay Apia na aming kapatid na babae at kay Arquipo na kapwa naming naglilingkod sa Panginoon. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus. Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo. Kapatid, ang pag-ibig na iyon ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.
Filemon 1:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula kay Pablo na nakabilanggo dahil kay Kristo Hesus, kasama si Timoteo na ating kapatid, Filemon, aming minamahal na kamanggagawa sa Panginoon, kasama si Apia na ating kapatid, si Arquipo na kapwa naming sundalo ni Kristo, at ang iglesyang nagtitipon sa iyong tahanan: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo. Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos sa tuwing ipinapanalangin kita, dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Hesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos. Idinadalangin ko na sa pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya ay lalo pang lumago ang iyong pang-unawa sa bawat kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Kristo. Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya, dahil sumigla ang kalooban nila sa pamamagitan mo.
Filemon 1:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa, At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa iglesia sa iyong bahay: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin, Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal; Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo. Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.
Filemon 1:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Pablo, isang bilanggo dahil kay Cristo Jesus, at mula kay Timoteo na ating kapatid— Para kay Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa, at para sa iglesyang nagtitipon sa iyong bahay; kay Apia na aming kapatid na babae at kay Arquipo na kapwa naming naglilingkod sa Panginoon. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus. Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo. Kapatid, ang pag-ibig na iyon ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.
Filemon 1:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)