Mga Bilang 6:22-26
Mga Bilang 6:22-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita: Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.
Mga Bilang 6:22-26 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na ito ang kanilang sasabihin kapag magbabasbas sila sa mga Israelita: ‘Pagpalain nawa kayo ng PANGINOON. Ipakita nawa ng PANGINOON ang kanyang kabutihan at awa sa inyo. At malugod nawa ang PANGINOON sa inyo at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
Mga Bilang 6:22-26 Ang Biblia (TLAB)
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila: Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka: Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo: Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.
Mga Bilang 6:22-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita: Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.
Mga Bilang 6:22-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)