Mga Bilang 5:6-7
Mga Bilang 5:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sabihin mo ito sa mga Israelita: Sinumang magtaksil kay Yahweh at makagawa ng masama sa kanyang kapwa ay dapat umamin sa kasalanang kanyang nagawa, pagbabayaran niya ito nang buo maliban pa sa dagdagnaikalimang bahagi nito. Ito'y ibibigay niya sa ginawan niya ng masama o sa pinakamalapit na kamag-anak nito.
Mga Bilang 5:6-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay sumuway sa gusto ng PANGINOON sa pamamagitan ng paggawa ng masama sa kanyang kapwa, nagkasala ang taong iyon. Kailangang aminin niya ang nagawang kasalanan, at kailangang bayaran niya ng buo ang ginawan niya ng masama, at dagdagan ng dalawampung porsiyento ang bayad.
Mga Bilang 5:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Salitain mo sa mga anak ni Israel, Pagka ang isang lalake o babae ay nakagawa ng anomang kasalanan na nagagawa ng mga tao, na sumasalangsang laban sa Panginoon at ang gayong tao ay naging salarin; Ay kaniyang isusulit nga ang kaniyang kasalanang nagawa: at kaniyang pagbabayarang lubos ang kaniyang sala, at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi at ibibigay sa pinagkasalahan.
Mga Bilang 5:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sabihin mo ito sa mga Israelita: Sinumang magtaksil kay Yahweh at makagawa ng masama sa kanyang kapwa ay dapat umamin sa kasalanang kanyang nagawa, pagbabayaran niya ito nang buo maliban pa sa dagdagnaikalimang bahagi nito. Ito'y ibibigay niya sa ginawan niya ng masama o sa pinakamalapit na kamag-anak nito.
Mga Bilang 5:6-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)