Mga Bilang 26:1-4
Mga Bilang 26:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkalipas ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar na anak ni Aaron, “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng mga Israelita na maaaring isama sa hukbo upang makipagdigma, mula sa gulang na dalawampung taon pataas.” Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto
Mga Bilang 26:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos ng salot, sinabi ng PANGINOON kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron, “Isensus ninyo ang lahat ng mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na dalawampung taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.” Kaya nakipag-usap sina Moises at ang paring si Eleazar sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na dalawampung taon pataas, ayon sa iniutos ng PANGINOON kay Moises.” Ito ang mga Israelitang lumabas sa Ehipto
Mga Bilang 26:1-4 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi, Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka. At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi, Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto.
Mga Bilang 26:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkalipas ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar na anak ni Aaron, “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng mga Israelita na maaaring isama sa hukbo upang makipagdigma, mula sa gulang na dalawampung taon pataas.” Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto
Mga Bilang 26:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)