Mga Bilang 24:1-14
Mga Bilang 24:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang matiyak ni Balaam na talagang gusto ni Yahweh na basbasan niya ang Israel, hindi na siya humanap ng palatandaan tulad ng dati. Tumanaw siya sa ilang at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ng Diyos at siya'y nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang pahayag ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos, at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin. Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda; kay inam, O Israel, ng iyong mga tirahan. Wari'y napakalawak na libis, parang hardin sa tabi ng batis. Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh, matataas na punong sedar sa tabi ng mga bukal. Ang tubig ay aapaw sa lahat niyang sisidlan, kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar. Ang hari niya ay magiging mas malakas kaysa kay Agag, at ang kanyang kaharian ay magiging napakalawak. Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto; ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro. Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin; sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin. Siya'y parang leon sa kanyang higaan, walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay. Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala; susumpain ang lahat ng sa iyo ay susumpa.” Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan! Mabuti pa'y umuwi ka na! Pararangalan sana kita pero hinadlangan iyon ni Yahweh.” Sinabi ni Balaam kay Balac, “Sinabi ko na sa iyong mga sugo na kahit ibigay mo sa akin ang lahat ng pilak at ginto sa iyong sambahayan ay hindi ko gagawin ang hindi ipinagagawa sa akin ni Yahweh. Sinabi ko rin sa kanila na ang sasabihin lamang sa akin ni Yahweh ang siya kong sasabihin.” “Oo, uuwi ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung ano ang gagawin sa inyo ng bayang ito balang araw.”
Mga Bilang 24:1-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Samantala, nang mapag-isip-isip ni Balaam na gusto ng PANGINOON na pagpalain ang Israel, hindi na siya nangkulam katulad ng ginawa niya noong una. Sa halip, humarap siya sa disyerto at nakita niya ang mga Israelita na nagkakampo ayon sa kani-kanilang lahi. Pagkatapos, pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos, at sinabi niya, “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa. Narinig ko ang salita ng Diyos, at nakakita ako ng isang pangitain na mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako at nagpahayag siya sa akin. Ito ang aking mensahe: ‘Anong ganda ng inyong mga toldang tinitirhan ng mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob. Katulad ito ng mga nakahanay na palma, o ng mga tanim sa tabing-ilog. Katulad din ito ng puno ng aloe na itinanim ng PANGINOON, o ng mga puno ng sedro sa tabi ng tubig. Umaapaw ang mga tubig sa kanilang mga lalagyan, at nagtatanim sila ng buto sa mga lupang sagana sa tubig. Ang kanilang hari ay magiging mas nakahihigit pa kaysa kay Agag na hari ng Amalekita, at ang kanilang kaharian ay magiging tanyag. Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila, katulad siya ng isang malakas na toro. Lulupigin nila ang kanilang mga kaaway; tutuhugin sa tulis ng pana at dudurugin ang kanilang mga buto. Katulad sila ng mga leon na kapag nakatulog na ay wala nang mangangahas pang gumising sa kanila. Pagpapalain ang mga nagpapala sa kanila at susumpain ang mga sumusumpa sa kanila.’ ” Dahil dito, naging matindi ang galit ni Balak kay Balaam. Isinuntok niya ang kanyang kamao sa kanyang palad at sinabi, “Ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway, ngunit binasbasan mo pa sila ng tatlong beses. Umuwi ka na lang! Nangako ako sa iyong babayaran kita ng malaking halaga, ngunit hindi pumayag ang PANGINOON na matanggap mo ang bayad.” Sumagot si Balaam kay Balak, “Hindi baʼt sinabihan ko ang iyong mga mensahero, na kahit ibigay mo pa sa akin ang iyong palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako makakagawa ng sarili kong kagustuhan, masama man ito o mabuti. Kung ano ang sinasabi ng PANGINOON sa akin, iyon lang ang aking sasabihin. Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, ngunit bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.”
Mga Bilang 24:1-14 Ang Biblia (TLAB)
At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang. At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya. At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios, Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel! Gaya ng mga libis na nalalatag, Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog, Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon, Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig. Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib, At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig, At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay Agag, At ang kaniyang kaharian ay mababantog. Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto; May lakas na gaya ng mabangis na toro: Kaniyang lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway, At kaniyang pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto, At palalagpasan sila ng kaniyang mga pana. Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon, At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo, At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo. At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo. Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan. At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi, Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain? At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw.
Mga Bilang 24:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang matiyak ni Balaam na talagang gusto ni Yahweh na basbasan niya ang Israel, hindi na siya humanap ng palatandaan tulad ng dati. Tumanaw siya sa ilang at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ng Diyos at siya'y nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang pahayag ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos, at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin. Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda; kay inam, O Israel, ng iyong mga tirahan. Wari'y napakalawak na libis, parang hardin sa tabi ng batis. Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh, matataas na punong sedar sa tabi ng mga bukal. Ang tubig ay aapaw sa lahat niyang sisidlan, kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar. Ang hari niya ay magiging mas malakas kaysa kay Agag, at ang kanyang kaharian ay magiging napakalawak. Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto; ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro. Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin; sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin. Siya'y parang leon sa kanyang higaan, walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay. Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala; susumpain ang lahat ng sa iyo ay susumpa.” Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan! Mabuti pa'y umuwi ka na! Pararangalan sana kita pero hinadlangan iyon ni Yahweh.” Sinabi ni Balaam kay Balac, “Sinabi ko na sa iyong mga sugo na kahit ibigay mo sa akin ang lahat ng pilak at ginto sa iyong sambahayan ay hindi ko gagawin ang hindi ipinagagawa sa akin ni Yahweh. Sinabi ko rin sa kanila na ang sasabihin lamang sa akin ni Yahweh ang siya kong sasabihin.” “Oo, uuwi ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung ano ang gagawin sa inyo ng bayang ito balang araw.”
Mga Bilang 24:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)